Lipat Bahay

Walang komento:
Friends, lilipat na po ako sa WordPress. Sana po ay sumunod kayo at mag-subscribe sa bago kong blog. Same title din po:


Kita-kita po tayo doon!

Maligayang Pasko!

Walang komento:
Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Saan ninyo ginastos ang inyong 13th Month Pay o Christmas bonus? Siguro, ginastos ninyo sa bagong gadgets or damit, no? Ako, iba talaga ang hilig ko. Marami ngang nawi-weirdan sa sagot ko diyan kasi ako, gumastos ako ng medyo malaki para sa aking mga aquariums! Noong December 22 kasi, nahatak ko papuntang Cartimar ang tatay at kapatid ko. Ano ang mga pinamili ko?


Una, bumili ako ng Java moss. Madaling alagaan ang moss na ito. Kahit low lighting conditions, kaya niyang tumubo. Kapag lumago siya, maganda siyang gawing taguan ng mga baby fish. Tamang tama siguro ang timing ko dahil nakikita ko nang nagbebreed ang mga black molly ko.

 

Bumili rin ako ng mga bagong filter. Bumili ako ng hang-on filter para sa 15-gallon aquarium at top filter naman para sa 30-gallon aquarium ko. Pakiramdam ko kasi, di efficient ang mga luma kong filter.



Bumili rin ako ng filter floss, activated carbon, at ceramic filter media para sa top filter ko para mas maganda ang pag-filter nila ng dumi ng aquarium. Yung filter floss, yun yung parang bulak na white. Ginagamit ito para magtrap ng mga maliliit na particles mula sa tubig. Ang activated carbon naman, pang-neutralize ng mga harmful chemicals na nasa tubig. Yung mga ceramic filter media, mukha silang mga Sponge-crunch pero mas maliliit. Pinababahayan sila sa mga good bacteria na mag-aalis din ng mga bad chemicals na maaaring nasa aquarium.


Last but not the least, bumili rin ako ng liquid fertilizer para sa mga aquarium plants ko. Di kasi sila tumutubo ng maayos. Punggok pa rin ang mga dahon ng mga Anubias var. petite ko at di na nagsisibol ang mga bronze Cryptocorynes ko. Sana, bago ko maubos ang bote ng fertilizer, makakita na ako ng results.

Overall all, medyo nagastusan ako sa sarili ko dahil ito ang breakdown:

  P20 - Java moss
  P330 - Hang-on filter
  P350 - Top filter
  P50 - Activated carbon
  P50 - Ceramic filter media
  P10 - Filter floss (x2)
+P200 - liquid fertilizer
_____________________
P1020

Wala pala akong nakuhang pictures kasi na-excite ako at naikabit ko na sa aquariums lahat. Hassle naman tanggalin. Anyway, I hope na yung mga pics sa na galing sa net, nakatulong. Kung may tanong kayo tungkol sa mga bagay na binili ko, comment lang kayo, ha!?!

Malinis na Aquarium

3 komento:
Mga kaibigan, sorry po sa matagal na di pagpo-post dito. Lingid po sa kaalaman ng marami, may dinanas po akong matinding kalungkutan. Naging malala po kasi ang sakit ng aking mahal na nanay, at nitong Oktubre po, siya ay namayapa na. Dahil po doon, halos nakalimutan ko nang bumalik pa para mag-post sa blog na ito.

Ito po ngayon ang lagay ng aquarium ko. Kailangan ko na ring linisin pero hindi sa pagmamayabang, halos 2 months nang di nalilinis yan sa lagay na iyan. 

Buti na lang, kanina, may nag-comment sa isa kong post. Siya po si Wilson, at ito ang kanyang tanong:
Chard.. paano ba mapanatiling malinis ang aquarium? Saka ng tataka ako.. kung bakit namamatay agad ang pet fish q.
Sa post na ito, sasagutin ko po ang unang tanong dahil medyo simple lang ang sagot. Hehehe! Simulan na po natin ang tips para mapanatiling malinis ang aquarium.

Una, bawasan ang pagpapakain. Sa tuwing magpapakain, maglagay lang ng kaunti at bantayan po ninyo ang inyong mga isda. Dapat kasi, pakainin lang sila ng kaya nilang maubos sa loob ng mahigit kumulang 10 minuto. Kapag nasobrahan ang pagkain, nabubulok ito at nagiging sanhi ng malabong tubig na parang nilagyan ng gatas. Nagkakaroon din ng hindi magandang amoy kapag nabulukan ng pagkain ang tubig.

Pangalawa, magpalit ng tubig. Minsan sa isang linggo, palitan ninyo ng tubig ang aquarium kahit 25% lang; mas maganda ngang hindi 100% dahil nagugulo ang mga good bacteria na tumutulong sa pagtunaw ng waste chemicals na nasa tubig. Magkuskos muna ng salamin bago ipasipsip sa hose ang tubig para sumama ang maraming dumi paalis. Subukan din niyo na i-vacuum yung ilalim, lalo na yung namamataan ninyong may mga dumi.

Pangatlo, linisin ang filter. Depende kung gaano kakalat ang mga isda ninyo ang paglilinis ng filter. Kung ayaw ninyo ng hassle, isabay na rin ang paglilinis ng filter sa pagpapalit ng tubig. Mas maiiging yung lumang tubig ang ipangbanlaw sa filter dahil mapapanatili ninyong buhay ang mga good bacteria sa loob nito.

Malabo talaga ang kuha ng camera ng phone ko. Pasensiya na po. 

Sa aking palagay, simple lang ang pagpapanatiling malinis ng aquarium. Ang pinaka malaking bagay talaga sa tips na ito ay yung pagbabawas ng pagkain, pero sa tulong ng pangalawa at pangatlong tips, mas magiging malinis talaga ang aquarium ninyo. Sana po, naging malaking tulong ang post na ito sa mga taong tulad ni Wilson. Huwag po ninyo kalilimutang balitaan ako ha!

Hanggang sa muli!

Paglilinis ng Salamin ng Aquarium

Walang komento:
May luma ba kayong aquarium? Kung meron, palagay ko, kaya di niyo na ito pinag-aaksayahan ng panahon ay dahil sa mga puti-puting marka sa salamin dahil sa natuyong tubig.



Ang tawag dito ay hard water stains. Dahil ito sa lime na nasa tubig. Kapag natuyo, naiiwan ito sa salamin tulad ng asin mula sa tubig dagat. Hirap na hirap ako dati tanggalin yan pero hindi na ngayon. Kailangan lang ng suka at kaunting tiyaga.
Narito ang steps:

  1. 1. Kumuha ng suka. 
  2. Isawsaw ang sponge. 
  3. Ikuskos sa salamin. 
  4. Hayaan ng mga 5 minutes. 
  5. Ulitin kung may natira pang hard water stains.

Mas mainam kung matapang na suka ang gagamitin; ang ginamit ko ay Datu Puti, pero susubukan ko next week ang concentrated na suka.

Depende sa kapal ng lime deposits kung gaano ka effective ang suka, so kailangan lang tiyagain talaga. Kung maaari, pwedeng itagilid ang aquarium para maibabad ang side na maraming lime sa suka at kuskusin lang.
Gumana to sa aking aquarium at sana, gumana rin para sa inyo.

Tapos ang Maliligayang Araw

Walang komento:
Naku, tapos na ang maliligayang araw. May pasok na naman sa office. Baka ngayong linggo, sa weekend na ako makapag-post ng bagong article. Sana, sapat naman ang meron dito sa blog para aliwin kayo. O siya, ng maliligo na ako para maka-pasok na sa office. See you soon!

Batong Pwede Gamitin sa Aquarium

7 komento:
Masaya pero nakapapagod ang beach outing namin ng pamilya kanina. Nagpunta kami sa isang parte ng Ternate. Gaya ng lagi kong ginagawa tuwing may pinupuntahang bago, naghahanap ako ng mga bagay na pwedeng gamitin sa pagdedesign ng aquarium. Kadalasan, bato ang tinitingnan ko dahil malaki talaga ang dinadagdag nilang ganda sa aquarium.


Simple lang ang ayos pero maganda, diba? Isa pa, isa ito sa mga akala mo ay murang parte ng aquascaping -- pero hindi! Sobrang mahal ng bato dahil per kilo ito binebenta at mahal na kapag malalaki na ang pinag-uusapan. Halimbawa, 5 kilo sa P50 -- P250 na agad yun! Eh kung mamumulot ka lang, eh di mas mura. Pero hindi lahat ng bato, pwedeng gamitin sa loob ng aquarium. Kailangan, pumasa ito sa acid test para masigurong ligtas ito para sa mga isda.

Ano ang acid test? Tinitest nito kung matutunaw ang bato kung matagal silang ibababad sa tubig. Kapag natunaw, maaari silang maglabas ng chemicals na maaaring lumason sa isda. Buti na lang, madali lang itong gawin. Narito ang mga hakbang:

1. Mamili ng parte ng bato na pwedeng gasgasin.
2. Gumamit ng matigas na bagay para gasgasin ang bato.
3. Patakan ng acid -- pwedeng gumamit ng suka o muriatic acid -- ang bato.
4. Tingnan kung bubula ang parte na pinatakan.

Kapag bumula, ibig sabihin, fail ang bato dahil gawa ito sa material na maaaring tunawin ng natural na acidity ng tubig na pang-aquarium. Kapag hindi naman bumula, pass. Ibig sabihin, pwedeng lubusang linisin ang bato at gamitin sa design ng aquarium. 

Ginawa ko yan kanina. Ito ang picture ng isa sa mga pasadong bato: 


Hindi bumula ang bato kaya ok yan. Ito naman ang isang video ng bagsak na bato:



Kapansin-pansing naging white kaagad ang pinatak kong hydrochloric acid na sangkap ng toilet bowl cleaner namin. Kaya, ayan. Fail siya.

Sa dinami-dami ng inuwi kong bato, tatlo lang ang pumasa. Nakakalungkot -- at nakakapagod sa pagbubuhat -- pero ok na rin yan dahil, at least, hindi naman malalagay sa panganib ang mga isda ko. Huhugasan ko na lang ng matindi ang mga pasadong bato at idi-disinfect ko para pwede ko nang gamitin sa susunod kong bagong layout ng aquarium. 

Pagpaplano ng Bagong Aquarium

Walang komento:
Parang ganito yung gusto kong layout.
Gusto ko ng bagong aquarium pero wala pa akong budget. Gusto ko kasing mag-set up ng isang tank na panay Java fern at Anubias lang ang halaman.
Dahil di pa pwede, naisip ko na lang na mag plano. Isa sa pinaka importanteng bagay sa pag-aalaga ng aquarium ang pagpaplano. Bakit? Well, maraming rason.

Una na dito ang pagtitipid ng pera. Maraming pera kasi ang nasasayang kapag hindi ayos ang pagpili ng gamit at isda. Kapag di tugma ang mga bagay-bagay, namamatay kasi ang isda o kaya naman ay kailangang bumili ng ibang gamit.

 Maganda ring may plano kasi nga, madaling namatayan ng isda kapag mali o walang planong nakalatag para sa pag-aalaga. Dapat, tamang pagkain. Dapat, tamang klase ng isda ang pagsasamahin. Kung hindi, patay sa gutom o patay dahil nagkainan ang mga isda. Kawawa naman.

Isa pa, mahirap maglinis ng aquarium kung mali ang paglalagyan. Kapag malayo sa gripo o sa igiban ng tubig, naku, masakit sa braso o likod ang pagpupuno ng tubig. Maganda kung mas malapit sa igiban para madaling magbuhat ng balde; mas maganda kung may hose para diretso na ang paglalagay ng tubig. Siguruhin lang na walang chlorine ang tubig galing sa gripo kasi nakamamatay yun ng isda at halaman. Kung may chlorine, dapat bumili ng chlorine neutralizer.

Mahalaga talaga magplano kapag mag seset-up ng bagong aquarium. Iwas gastos, patay na isda, at sakit ng katawan. Planado na naman ako ngayon. Kailangan ko na nga lang ng pera para pambili. Kailan kaya ako magkaka-extra? Ewan lang, pero sana sa birthday ko sa August, meron na.