Ang Mga Libreng Gourami

Nagtatago sa likod ng aquarium kasi, camera shy.
Noong bata pa ako, wala akong sariling pera kaya naman hindi ako makabili ng mga isdang gusto ko. Nang namatay ang isdang binili sa akin ng Tita ko, ayun, problemadong-problemado ako dahil wala na akong alaga. Hunghang kasi ako noon. Di ko alam kung paano talaga mag-alaga ng isda. Ayun, dedbol tuloy. Mabuti na lang, maabilidad ako noong bata pa ako -- mana sa ama!

Sa tatay ko ako nakakuha ng isang magandang ideya para makapag-alaga ulit ng isda. Nandadala kasi siya (nanghuhuli ng isda gamit ang net). Isa sa mga local na isda na nahuhuli niya ang gourami, at tuwing uuwi siya galing sa ilog, tinitingnan ko kung may mga buhay na gourami sa lalagyan. Kinukuha ko sila at -- voila! -- libreng isda.

Ito naman ang pinaka bibong gourami, nagpapicture!
Kahit dati pa, gandang-ganda na ako sa native na gourami na nahuhuli dito sa amin. Ang nahuhuling gourami dito ay tinatawag na three-spotted gourami. Bakit? Kasi, may tatlong tuldok na itim siya -- isa sa buntot, isa sa katawan, at ang mata naman niya ang ikatlo. Kadalasan, may pagka-silver ang katawan nila at nagkakaroon sila ng mga tulduk-tuldok na orange sa mga palikpik. Minsan, nagkakaroon sila ng blue na kintab at depende sa huwisyo ng guourami, nagkakaroon din ng black stripes na parang zebra.

Sobrang tibay din ng gourami. Dahil nga bata pa ako noon, nakakalimutan ko sila pakainin, pero nabubuhay pa rin sila ng matagal. Di naman kasi sila mapili. Kumakain sila ng halos kahit ano gaya ng lumot, insekto, at maliliit na isda. Ngayon, pinakakain ko sila ng floating pellets dahil mas madaling tanggalin ang sobrang pagkain sa aquarium pag nasobrahan.

Naku, sobrang bilis. Blur lang ang napicturan ko.
Mainam alagaan ang gourami kasi, hindi rin sila maselan sa tubig. Kahit kaunti lang ang oxygen sa tubig, di problema kasi, kayang lumagok ng hangin ng gourami.

Medyo mahirap nga lang haluan ng ibang isda ang aquarium kapag may gourami. Bawal ang sobrang liit na isda kasi, kakainin nila. Bawal din ang sobrang maarteng palikpik kasi gugutay-gutayin lang din nila yun. Pag lumaki, hanggang anim na pulgada minsan, kailangan silang ilipat sa mas maluwag na aquarium,  tipong 30 gallons. Parang fighting fish, nag-aaway din ang mga lalaking gourami, kaya kung alam niyo kung paano malalaman, sana, isa lang sa isang aquarium.

Pwede namang ihalo ang gourami sa mga isdang mabibilis lumangoy. Ngayon, ang kasama ng mga gourami ko ay mga zebra danio, platy, at corydoras. Wala pa namang problema, pero baka magka-baby na ang mga platy. Ayun. Saka ko na lang poproblemahin pag bumukol na ang mga tiyan nila.

Ayaw ko mang ipagyabang pero ang mga pictures na yan ay galing sa sarili kong aquarium. Pasensiya na at malabo dahil di pa digicam ang gamit ko -- cell phone lang. By the way, libre lang din ang mga gourami na yan. Nahuli ng mga bata noong last time na nagbaha dito sa amin. Nakita ko sila sa tabo sa tabi ng tindahan. Sabi ko sa tito ko, kasi siya ang pinagbigyan, "Akin na lang to, To!" Ayan. Libreng isda na naman! Yipee!!!

2 komento:

  1. Hello.. aq nga pala c wilson taga carmona cavite.. gusto ko sanang malaman kung paano ko maaalagaan at mapalaki ng maayos ang alaga kong isda.. 3 parrot fish 3 mollie 1 hammerhead at isang tigerfish nbasa ko na dati ung dati mong blog.. nagustuhan q un.. pati turuan mo akong mag alaga ng halaman at anong klaseng halamn ang madaling mahanap at alagaan.. txt m rin aq d2 magtatanong p aq sau ng marami 09213426987 tnx chad.. bless u..

    TumugonBurahin
  2. Best 4x8 sheet metal prices near me
    Cheap sheet metal prices near apple watch titanium me. A collection of the best 3X8 sheet titanium necklace metal prices. where is titanium found Find great deals microtouch titanium trim walmart at 2020 ford edge titanium for sale our prices on 3x8 sheet metal in your location.

    TumugonBurahin