Batong Pwede Gamitin sa Aquarium

Masaya pero nakapapagod ang beach outing namin ng pamilya kanina. Nagpunta kami sa isang parte ng Ternate. Gaya ng lagi kong ginagawa tuwing may pinupuntahang bago, naghahanap ako ng mga bagay na pwedeng gamitin sa pagdedesign ng aquarium. Kadalasan, bato ang tinitingnan ko dahil malaki talaga ang dinadagdag nilang ganda sa aquarium.


Simple lang ang ayos pero maganda, diba? Isa pa, isa ito sa mga akala mo ay murang parte ng aquascaping -- pero hindi! Sobrang mahal ng bato dahil per kilo ito binebenta at mahal na kapag malalaki na ang pinag-uusapan. Halimbawa, 5 kilo sa P50 -- P250 na agad yun! Eh kung mamumulot ka lang, eh di mas mura. Pero hindi lahat ng bato, pwedeng gamitin sa loob ng aquarium. Kailangan, pumasa ito sa acid test para masigurong ligtas ito para sa mga isda.

Ano ang acid test? Tinitest nito kung matutunaw ang bato kung matagal silang ibababad sa tubig. Kapag natunaw, maaari silang maglabas ng chemicals na maaaring lumason sa isda. Buti na lang, madali lang itong gawin. Narito ang mga hakbang:

1. Mamili ng parte ng bato na pwedeng gasgasin.
2. Gumamit ng matigas na bagay para gasgasin ang bato.
3. Patakan ng acid -- pwedeng gumamit ng suka o muriatic acid -- ang bato.
4. Tingnan kung bubula ang parte na pinatakan.

Kapag bumula, ibig sabihin, fail ang bato dahil gawa ito sa material na maaaring tunawin ng natural na acidity ng tubig na pang-aquarium. Kapag hindi naman bumula, pass. Ibig sabihin, pwedeng lubusang linisin ang bato at gamitin sa design ng aquarium. 

Ginawa ko yan kanina. Ito ang picture ng isa sa mga pasadong bato: 


Hindi bumula ang bato kaya ok yan. Ito naman ang isang video ng bagsak na bato:



Kapansin-pansing naging white kaagad ang pinatak kong hydrochloric acid na sangkap ng toilet bowl cleaner namin. Kaya, ayan. Fail siya.

Sa dinami-dami ng inuwi kong bato, tatlo lang ang pumasa. Nakakalungkot -- at nakakapagod sa pagbubuhat -- pero ok na rin yan dahil, at least, hindi naman malalagay sa panganib ang mga isda ko. Huhugasan ko na lang ng matindi ang mga pasadong bato at idi-disinfect ko para pwede ko nang gamitin sa susunod kong bagong layout ng aquarium. 

7 komento:

  1. last week nag'beach kame and nangollect aq mga shells..balak q sana ipang design sa aquarium..bute nalang nabasa q tong blog mu :) ..unfortunately bumula kc ung shell..ndi ba pwd un? ..kc may aquarium aq nakita na may shells.gusto q din sana maglagay..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pwede siguro ang shells. At least, alam natin na calcium carbonate lang ang laman niyan. Pag bato kasi, baka may iba pa na nakalalason sa isda. Magchecheck din ako ng mas malalim kung pwede talaga ang shells.

      Burahin
    2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
    3. kua chad may alam ka alternative para sa java moss o fern? ..wala kc aq makita dito sa lugar namin e..

      Burahin
  2. Chard.. paano ba mapanatiling malinis ang aquarium? Saka ng tataka ako.. kung bakit namamatay agad ang pet fish q..

    TumugonBurahin
  3. Hi Wilson! Sige, gagawa ako ng post para mapanatiling malinis ang aquarium mo.

    Yung tungkol sa pagkamatay ng pet fish mo, masyadong maraming dahilan. Ganito na lang. Click mo ang "Magtanong" side ng site at ikwento mo yung mga nangyayari sa isda mo para mas detalyado. :-)

    TumugonBurahin