Malinis na Aquarium

Mga kaibigan, sorry po sa matagal na di pagpo-post dito. Lingid po sa kaalaman ng marami, may dinanas po akong matinding kalungkutan. Naging malala po kasi ang sakit ng aking mahal na nanay, at nitong Oktubre po, siya ay namayapa na. Dahil po doon, halos nakalimutan ko nang bumalik pa para mag-post sa blog na ito.

Ito po ngayon ang lagay ng aquarium ko. Kailangan ko na ring linisin pero hindi sa pagmamayabang, halos 2 months nang di nalilinis yan sa lagay na iyan. 

Buti na lang, kanina, may nag-comment sa isa kong post. Siya po si Wilson, at ito ang kanyang tanong:
Chard.. paano ba mapanatiling malinis ang aquarium? Saka ng tataka ako.. kung bakit namamatay agad ang pet fish q.
Sa post na ito, sasagutin ko po ang unang tanong dahil medyo simple lang ang sagot. Hehehe! Simulan na po natin ang tips para mapanatiling malinis ang aquarium.

Una, bawasan ang pagpapakain. Sa tuwing magpapakain, maglagay lang ng kaunti at bantayan po ninyo ang inyong mga isda. Dapat kasi, pakainin lang sila ng kaya nilang maubos sa loob ng mahigit kumulang 10 minuto. Kapag nasobrahan ang pagkain, nabubulok ito at nagiging sanhi ng malabong tubig na parang nilagyan ng gatas. Nagkakaroon din ng hindi magandang amoy kapag nabulukan ng pagkain ang tubig.

Pangalawa, magpalit ng tubig. Minsan sa isang linggo, palitan ninyo ng tubig ang aquarium kahit 25% lang; mas maganda ngang hindi 100% dahil nagugulo ang mga good bacteria na tumutulong sa pagtunaw ng waste chemicals na nasa tubig. Magkuskos muna ng salamin bago ipasipsip sa hose ang tubig para sumama ang maraming dumi paalis. Subukan din niyo na i-vacuum yung ilalim, lalo na yung namamataan ninyong may mga dumi.

Pangatlo, linisin ang filter. Depende kung gaano kakalat ang mga isda ninyo ang paglilinis ng filter. Kung ayaw ninyo ng hassle, isabay na rin ang paglilinis ng filter sa pagpapalit ng tubig. Mas maiiging yung lumang tubig ang ipangbanlaw sa filter dahil mapapanatili ninyong buhay ang mga good bacteria sa loob nito.

Malabo talaga ang kuha ng camera ng phone ko. Pasensiya na po. 

Sa aking palagay, simple lang ang pagpapanatiling malinis ng aquarium. Ang pinaka malaking bagay talaga sa tips na ito ay yung pagbabawas ng pagkain, pero sa tulong ng pangalawa at pangatlong tips, mas magiging malinis talaga ang aquarium ninyo. Sana po, naging malaking tulong ang post na ito sa mga taong tulad ni Wilson. Huwag po ninyo kalilimutang balitaan ako ha!

Hanggang sa muli!

3 komento:

  1. Chard may alaga rin akong flowerhorn.. ahm paano ko ba xa mapapalaki ng maayos at bigyan mo aq ng tips sa aking baby fh.. at ung mga pakain d2.. kung paano xa mabilis lumaki pati ung bukol nya

    TumugonBurahin
  2. My alaga po kaming koi..arw arw po my namamatay nalulungkot po kmi..nilisan ko n po ang acquarium..pansin ko lng po hnd pi sila kumakain ng maayos

    TumugonBurahin
  3. Bakit ang bilis lumabo ng tubig sa aquarium?

    TumugonBurahin