Tuloy Po Kayo!

Ang Anubias na nasa aquarium ko.
Tuloy po kayo sa aking aquarium blog!

Ako po si Chad at mahilig akong mag-alaga ng mga isda at halamang pang-aquarium. Simula pa noong bata ako, nag-aalaga na ako ng isda. Nagsimula akong mag-alaga ng mga goldfish na nabibili sa tabi ng kalsada at  at sa malaking garapon lang ng Lady's Choice mayonnaise ko sila inalagaan. Di nagtagal, binigyan ako ng ninong ko ng isang malaking aquarium at kung anu-anong isda na ang inalagaan ko. Platy, molly, guppy, gourami, at marami pang iba. Noong high-school ako, nakakita ako ng magazine tungkol sa pag-aalaga ng halamang pang-aquarium, at doon na nagsimula ang aking pagkahilig dito. Marami din akong inalagaang halamang pang-aquarium, pero di pa ako magaling dating mag-alaga kaya namamatay lang sila. Kahit ganoon, hindi pa rin naman ako nasiraan ng loob at tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-aalaga.

Ngayong matanda na ako, marami na rin akong natutunan sa pag-aalaga ng isda at halamang pang-aquarium -- trial and error nga lang ang karamihan. Kaya naman ngayon, gusto ko sanang ipamahagi ang alam ko tungkol sa pag-aalaga ng isda sa mga kapwa kong Pinoy na baguhan pa lang para di kayo mamatayan ng isda at masayangan ng pera. Hehehe!

Ito muna sa ngayon. Sana, mag-follow kayo, magtanong (para may mai-post ako), at mag-comment. Hintay-hintay lang po ng kaunti para sa mas maraming kaalamang tungkol sa pag-aalaga ng isda! Salamat!

4 (na) komento:

  1. Bakit yung isda ko 4 na namamatay? :( Molly's, Albino and Rainbow shark tska isang Koi okay naman yung oxygen ko 2 yun. then malinis naman yung tubig na ginagamit ko. okay naman yung pagkain.

    TumugonBurahin
  2. Ano po yung mga halimbawa ng aquatic plants dto sa atin at saan po pwedeng makakuha oh makabili nito?
    Thanks po if may idea kayo :)

    TumugonBurahin
  3. Una po, lumipat na ako ng blog. Pumunta po kayo dito: http://pinoyaquarium.wordpress.com. Yan ang updated kong blog.

    @Paola, please read http://pinoyaquarium.wordpress.com/2014/02/06/bakit-namamatay-ang-mga-isda-sa-aquarium-ko.

    @Miccoo, marami nang aquarium plants dito sa Pilipinas. If you're in the Manila area, marami sa Cartimar. Sa sulit.com.ph, may nagbebenta din if you're in far away places. :-)

    Punta na kayo sa http://pinoyaquarium.wordpress.com for updates. Di ko na po iuupdate ang blog na ito.

    TumugonBurahin
  4. May alaga kc akong mga mollys boss. Nag start ako nag alaga nung ja 19.bgo ako bmili ng isda 3days ang tubig nsa eyes chess. Tpos tnatangal ko ang dumi. Tpos dinagdagan ko ng tubig. Ang tubig nilalagay ko overnight muna bago ko ihalo. Pero namamatay man mga mollys ko. Baket kaya yan boss? Patulong naman.

    TumugonBurahin