Maligayang Pasko!

Walang komento:
Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Saan ninyo ginastos ang inyong 13th Month Pay o Christmas bonus? Siguro, ginastos ninyo sa bagong gadgets or damit, no? Ako, iba talaga ang hilig ko. Marami ngang nawi-weirdan sa sagot ko diyan kasi ako, gumastos ako ng medyo malaki para sa aking mga aquariums! Noong December 22 kasi, nahatak ko papuntang Cartimar ang tatay at kapatid ko. Ano ang mga pinamili ko?


Una, bumili ako ng Java moss. Madaling alagaan ang moss na ito. Kahit low lighting conditions, kaya niyang tumubo. Kapag lumago siya, maganda siyang gawing taguan ng mga baby fish. Tamang tama siguro ang timing ko dahil nakikita ko nang nagbebreed ang mga black molly ko.

 

Bumili rin ako ng mga bagong filter. Bumili ako ng hang-on filter para sa 15-gallon aquarium at top filter naman para sa 30-gallon aquarium ko. Pakiramdam ko kasi, di efficient ang mga luma kong filter.



Bumili rin ako ng filter floss, activated carbon, at ceramic filter media para sa top filter ko para mas maganda ang pag-filter nila ng dumi ng aquarium. Yung filter floss, yun yung parang bulak na white. Ginagamit ito para magtrap ng mga maliliit na particles mula sa tubig. Ang activated carbon naman, pang-neutralize ng mga harmful chemicals na nasa tubig. Yung mga ceramic filter media, mukha silang mga Sponge-crunch pero mas maliliit. Pinababahayan sila sa mga good bacteria na mag-aalis din ng mga bad chemicals na maaaring nasa aquarium.


Last but not the least, bumili rin ako ng liquid fertilizer para sa mga aquarium plants ko. Di kasi sila tumutubo ng maayos. Punggok pa rin ang mga dahon ng mga Anubias var. petite ko at di na nagsisibol ang mga bronze Cryptocorynes ko. Sana, bago ko maubos ang bote ng fertilizer, makakita na ako ng results.

Overall all, medyo nagastusan ako sa sarili ko dahil ito ang breakdown:

  P20 - Java moss
  P330 - Hang-on filter
  P350 - Top filter
  P50 - Activated carbon
  P50 - Ceramic filter media
  P10 - Filter floss (x2)
+P200 - liquid fertilizer
_____________________
P1020

Wala pala akong nakuhang pictures kasi na-excite ako at naikabit ko na sa aquariums lahat. Hassle naman tanggalin. Anyway, I hope na yung mga pics sa na galing sa net, nakatulong. Kung may tanong kayo tungkol sa mga bagay na binili ko, comment lang kayo, ha!?!